Hindi dito nagtatapos ang iyong kwento. Alamin kung paano makakuha ng endorsement mula sa PPA at makapasok sa mga kumpanyang bukas sa second chance hiring.
Sundan ang apat na simpleng hakbang na ito upang simulan ang iyong bagong kabanata.
Magtungo sa iyong nearest PPA Regional o Field Office.
Sabihin sa iyong Probation and Parole Officer na naghahanap ka ng trabaho.
Ipagawa ang skills assessment at isama sa Register of Eligibles (ROE).
Humingi ng endorsement para sa mga partner companies.
May mga kumpanya sa loob ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na kusang nagbubukas ng pinto para sa mga PRL. Sila ay handang magbigay ng second chance sa mga nais magsimula muli.
Bukod sa PPA at SBMA, narito ang ilan pang mga programa ng gobyerno at institusyon na maaari mong lapitan.
Livelihood and Education Access Program na nakatutok sa pagbibigay ng pangunahing kaalaman at kabuhayan.
Libreng technical-vocational training at tulong sa job placement matapos ang kurso.
Mga programang tulad ng TUPAD at GIP (Government Internship Program) na nagbibigay ng panandaliang trabaho.
Nandito kami para gabayan ka. Dumiretso na sa PPA upang umpisahan ang proseso.
Pumunta sa PPA